Posts

Showing posts from May, 2023

ANG AKING NATUTUNAN SA ARALING PANLIPUNAN 9-EKONOMIKS AT PAANO KO ITO MAISASABUHAY.

Ang pagaaral ko sa ekonomiks ay nagbigay sa akin ng mahahalagang kaalaman. I sa mga natutunan ko ay ang konsepto ng supply at demand. Nalaman ko na ang presyo ng isang produkto ay nakasalalay sa relasyon ng kahilingan ng mamimili at ang suplay ng mga negosyante. Ang pag-iipon at pamumuhunan ay isa rin sa mga natutunan ko. Nalaman ko rin na mahalaga ang paglalaan ng bahagi ng aking kita para sa pangmatagalang pag-iipon. Sa pamamagitan ng tamang pamamaraan ng pamumuhunan Napakahalaga rin ng pag-unawa sa konsepto ng produksyon at paggawa ng produkto. Natutunan ko na ang mga salik tulad ng lakas-paggawa, mga hilaw na materyales, at mga kasanayan ay kinakailangan upang makapag-produce ng mga produkto at serbisyo. Bukod sa mga konseptong pang-ekonomiya, natutunan ko rin ang kahalagahan ng pagkakaisa at pakikipagtulungan sa lipunan. Ang ekonomiya ay hindi lamang tungkol sa pera, kundi pati na rin sa pagtulong sa kapwa at pag-unlad ng komunidad. Sa pamamagitan ng blog na ito, nais kong maipaki...